Miyerkules, Nobyembre 9, 2016



Repleksyon:
“Ako ay magiging butil ng kape”
Ano kayang larawan ng buhay na puro galak at halakhak? Masasabi kayang buhay ang buhay kung puro tawanan lang, kung walang problemang pinapasan? Aminin  man natin o hindi ngunit minsang naitanong na rin natin yan sa ating mga sarili. Minsan nga halos ayaw mo ng bumango sa iyong pagkakahiga kung alam mo din lang na may na problema ka pang haharapin sa labas ng inyong tahanan. Nakakat’wang isipin ngunit totoo, sino nga bang naghangad na magkaroon ng sandamakmak na problema, wala naman diga?
Ngunit ang buhay ay hindi ganito o ganoon lamang, hindi tulad ng walan g tintang bolpen na basta mo na lang itatapon sa kung saan , dahil wala ng silbi, hindi ito bagay na kapag pinagsawaan mo pwede mo ng ipamigay, hindi tulad ng laruan na kahit anong oras pwede mong ipahiram , minsan nga kahit wala pang balikan pwede. Kung ang buhay ay tulad ng mga nabanggit, wala sigurong matinong buhay ang mga tao ngayon, walang pag-unlad walang pagkatutong magaganap. Ang mabuhay sa mundo ay hindi madali, sabi nga sa kasabihan “Madaling maging tao, mahirap magpakatao’’, sapakat hindi sapat na  nakababasa’t nakasusulat ka, hindi sapat na nakabibilang ka, dapat alam mo ang kung paano mamuhay, kung paano umayon at sumalunga sa mga problema.
Ang problema at iba pang balakid sa buhay ang siyang nagpapatingkad sa tao. Ito ang nagsisilbing hulmahan  na kung saan dito ka nabubuo, dito ka nagiging tunay na tao, kaya dapat tayong magpasalamat kung may mga problemang  dumadating sa ating buhay, sapagkat sila ang ating mga guro-sila ang taing mahuhusay na tagapagturo. Huwag kang matakot, andiyan ang Diyos, wala naman siyang ibinibigay na pagsubok na alam niyang hindi mo kayang lampasan. Ngunit hindi tayo makatatanggi sa katotohanang ang humarap sa mga ito, ay pawang napakahirap. Bakit? Dahil natatakot  tayo sa mga posibleng kahinatnan ng mga desisyong gagawin natin, minsan hindi mo alam kung anong mga bagay ang dapat isaalang –alang, kung sino-sino ang madadamay, sino-sino ang masasaktan.
Ayon sa kwento ng Ang Mensahe ng Butil ng Kape, may tatlong katangian ang mga taong dumadaan sa pagsubok ng buhay. Ang taong tulad ng karot, na matapos maihalo sa mainit na tubig ay lumambot, na kung isasatao mo ay yaong mga malakas lang sa una, ngunit nang datnan ng mabigat na hamon ay bumigay na, humina na, nawalan na ng pag-asa. Itlog na nagtatagl;ay ng maputi at manipis na balat na pumoprotekta sa likidong nasa loob, na matpos itubog sa kumukulong tubig ay nagbago, ang dating likido  na nasa loob ay naging solid,naging matigas- yaong mga taong\diaanan lang ng pagsubok sa buhay, bigla na lang nagbago biglang naging bato, ngaing walang pakielam  sa mundo. \At butil ng kape na natunaw at nagbigay ng kakakibang kulay sa tubig na kanina lang walang kulay,lasa at amoy- uri ng atong kayang magpabago ng pananaw ng ibang tao, yaong positibo, na kahit nahihirapan, nakangiti pa rin, handa pa ring tumulong sa mga nangangailangan. Ikaw, alin ka dito? Minsan ka na rin bang naging karot? Minsan ka na rin bang naging mahina? Tinaglay mo rin ba ang katangiang mayroon ang itlog? Kung ano man ang iyong kasagutan, pag-isipan mo yan, basta ako, sisikapin kong maging tulad ng butil ng kape!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento