Ang
Mensahe ng Butil ng Kape
Buod:
Nagbubungkal
ng lupa ang magsasaka, nang marinig niyang nagmamaktol ang kanyang anak, sa
hirap at kapagurang nararanasan sa
pagsasaka. Sa pagkakataong ito, tinawag ng magsasaka ang Kanyang anak papuntang
kusina.
Isinalang
ng magsasaka ang tatlong palayok ng
tubig sa apoy, hinayaang kumulo. Makalipasa ang ilang minute, kumulo na ang
tubig.
Inilagay
ng magsasaka ang karot sa unang palayok, itlog sa pangalawa, samantalang butil
ng kape sa ikatlo. Sa sandaling iyon, tinanong ng magsasaka ang kanyang anak
kung anong mangyayari sa mga inilagay niya sa palayok, sinagot naman ito ng
kanyang anak, at nagwikang ‘‘maluluto’’. Makalipas ang dalawampung minute,
hinango ng magsasaka ang mga palayok, pinalapit niya ang kanayang anak sa mga
ito. Inutusan niyang damhin ang karot,,hatiin ang itlog , at higupin ang kape. Doon nagsimulang ipaliwanag ng
magsasaka ang talinhaga ng kanyang mga pinaggagawa. Ang karot na matigas nung
una, ngunit mng maihalo sa kunukulong tubig unti-unting lumambot, na
sumisimbolo sa kahinaan. Ang itlog na nagtataglay ng manipis at maputing balat
upang protektahan ang likidong nasa loob nang maitubog sa kumukulong tubig ay
unti- unting nagbago ang nasa loob, ang dating likido ay
naging buo at matigas. Ang mga uri ng taong sa una may kabutihang loob ngunit
nag masubok ng tadhana unti-unting nagbago. Samantalang ang butil ng kape ay
natunaw matapos maihalo sa kumukulong tubig, nagbigay ng kakaibang kulay, lasa
at bango sa kaninang walang lasang tubig-waring nakikibagay. Matapos
magpaliwanag ng magsasaka, tinanong niya ang kanyang anak, “Kaya anak, ikaw ay
karot, itlog, o butil ng kape?”Ngumiti ang anak, at sinabing “ako ay magiging
butil ng kape.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento